Tuesday, February 6, 2007

Pag-ibig

by: Kevin Norman Fajardo

Pag ibig. Sa ingles love. Eh anu naman, no? kung di mo napapansin, dito umiikot ang mundo ng mga kalalakihan at kadalagahan sa puntong ito ng ating mga buhay, ang buhay estudyante. Di mo maikakaila, diba mas masarap nga namang tignan nalang maghapon ung crush mo? mula ulo hanggang paa, ung tipong kahit ung pinakamaliit na nunal nya e alam mo kung nasaan, alam mo rin pag nawala sa pwesto ung isang hibla ng buhok nya at syempre, kahit nasaan sya, alam mo kung nasaan. Para kang satellite kung baga. At dahil masyado ka ng busy sa pagtatanong sa sarili mo kung bakit kaya may ganun kagandang babae sa mundo (para sa mga lalakeng katulad ko) o bakit me ganun ka-cute na lalake, napapabayaan mo na ang isang kimpal na projects, santambak na quizzes at pulupulutong na assignments na nagaabang sa study table mo, kung meron man. Bakit kaya natin kelangang magaral? Sabi nga ng iba, sagabal lang yan sa kasiyahan! Eh kung imbis na nagbabasa ka ng librong hindi naman maintindihan, eh tabihan mo na lang ung “syuta” mo, magdaldalan nalang kayo, sulatan mo ng kung anu anu ung braso nya, tapos magdrawing kayo ng mga puso, amuy-amuyin mo ung buhok nya, kalikutin mo ung bag nya, tapos mayamaya, naghahabulan na kayo. O diba? Para sa mga di pa nakakaranas mahalin at magmahal, pwede at may karapatan kayong sabihing “magbabasa nalang ako ng libro! Wala namang thrill ung umamoy ng buhok eh!” pero para sa mga nakatikim na ng matamis na “oo”, parang droga ang amoy ng “syuta” nya. Kasing saya ng chicken joy ang pakalikot sa bag nya at mas super duper mega over saya ang pagtabi sa “syuta” nya kesa sa DOTA. Eh panu pa kaya ung libro at mga aralin? Karamihan siguro sa atin mas gugustuhin pang tumanga kesa humawak manlang ng algebra book. Ganyan ang epekto pag sa pagibig tayo na-adik. Pero di naman lahat ng “adik” sa pagibig eh, “pagbagsak” ang inaabot. Meron ding nagsisilbing “inspirasyon” ang kanilang mga iniirog, mas lalong ginaganahang mag aral kapag andyan ang inspirasyon. Pero ang tanong sa atin, gaganahan nga ba tayomg mag-aral kapag nagkaron na tayo ng iniirog? Tignan natin.
Kapag sinagot ka na ng matagal mo ng nililigawang girlaloo, syempre abot langit ang kasiyahang madarama mo. Lalo ka ng mauubusan ng panahon sa ibang bagay dahil masaya ka pag kasama mo sya, kaya’t ibubuhos mo na ngayon ang atensyon mo sa kanya. Paglipas ng panahon, dadalas na ang pagde-date nyo. At dahil masaya ka sa piling nya, di mo alintana ang gastos na aabutin mo sa kanya. Di magtatagal, magiging pulube ka na. tapos paglipas pa ng ilang panahon, darating na kayo sa puntong nagkakatampuhan na kayo, meron ng di-pagkakaunawaan. Gusto ni babae ganito, gusto mo ganyan. Gusto nya coke, gusto mo sprite. Gusto nya kanin, gusto mo ulam, gusto nya dapat ang lage mo syang katext, eh ikaw kating-kati na ung kamay mong magDOTA.. ayan. Misunderstanding. Para tuloy totoo yung kasabihang “ang pag-ibig sa una lang masarap..” Pag nag away na kayo, di mo na alam ang gagawin mo. Magsori ka man ng ilang libong ulit, wala. Di patitinag si babae. Malungkot ka. Malungkot sya. Eh bukas finals. Patay. Yari. Dahil sa sobrang pagka-depress mo, nakalimutan mong mag-aral. Eh dalawang buwan na yata ang nakalipas nung huli mong nahawakan ung mga gamit mo sa school kase syempre, busy sa loving-loving. Wala ng ibang paraan. Kapit sa matatag! Tabihan mo na ung pinakamatalino mong kaklase. Pansamantalang mawawala muna yung problema mo sa “syuta” mo. Pero pagkatapos ng finals, panu na? balik nanaman sa digmaan. Kung magaling kang tao, kaya mong pagsabayin ang dalawang laban na ito, ang laban sa eskwela at ang laban ng puso..

No comments: