Monday, February 12, 2007

Bisyo part two

by: Kenneth Dela Cruz

Dito sa Malolos, ang mga estudyante ay marameng bisyo, iba’t iba ang mga kinahihiligan nila, ang iba ay deretsyo sa bilyaran, karamihan naman ay punta agad sa mga kompyuteran. Masasabi nating dito sila nagpapalipas ng oras kapag walang klase o bakante. At masasabi din nating sila’y dito nila nauubos ang pera nila. Naging bisyo na nila ang araw-araw na paglilibang. Karamihan narin sa mga estudyante ay nasisira ang pag-aaral dahil wala nang oras sa paggawa ng assignment, pag-aaral para sa long test o maging sa midterm at finals. Ang iba’y ginagabi na sa pag-uwi dahil sa kanilang bisyo. Dito nagsisimulang tamarin ang mga estudyante at masira ang kanilang kinabukasan. Hindi masamang maglibang bgunit kapag ito’y nasobrahan, maaaring ikasira ng kanilang kinabukasan. Ito ang simula ng kanilang pagkapariwara at pagiging tamad ngunit hindi naman lahat. May mga estudyante pa ring nakokontrol ang kanilang sarili upang hindi malulong sa bisyo. Gumagawa ng paraan para hindi masama sa iba na lulong sa droga.
Hindi pa huli ang lahat. Maaaring mapigilan ang bisyo. Maraming paraan. Kung gugustuhin natin ay mapipigilan natin ito. Nasasayo narin kung gusto mong mapigilan ito o pagpatuloy. Ito lang ang masasabi ko, ang bisyo ay malaking hadlang sa isang tao lalo na sa isang estudyante sa kanyang pag-unlad at kinabukasan.

kwento ni paul

by: Paul Lansangan

May dalawang mag-asawa sa kwentong ito. Sila ay sina aso at manok. Ang mag-asawang ito ay matagal nang magkasama na halos may limampung taon ng nagsasama ay hindi pa rin nagkakaroon ng bunga ang kanilang pagsasama.
Isang araw nang nag-uusap silang mag-asawa ng biglang nasabi ni manok na “honey, bakit hindi pa tayo nagkakaron ng anak? Baog ka ba?” sabay ang isang pasimpleng tawa. Sumagot si aso, “hindi ako baog. Baka abnormal ka lang kaya walang nangyayari”. Nagalit si manok, biglang nahilo at hinimatay. Paglipas ng anim na oras, pitong minuto at dalawampu’t walong Segundo ay nagising na si manok. Ang sabi ni manok sa asawa, “honey, buntis na yata ako”. Ang sagot ni aso, “talaga? Sa wakes naman at magkakaroon na rin tayo ng anak!” paglipas ng dalawang taon ay nagitlog na si manok at ito’y napisa sa loob ng limang minuto. Ang kanilang anak ay isang kuneho at isang pagong. Si kuneho ay isang matamlay na bata ngunit siya nama’y masunurin at napakabait samantalang si pagong naman ay maliksi at tamad. Isang araw sila’y napagutusan ng kanilang amang si aso upang pumunta sa kakahuyan at kumuha ng mga pagkain. Si kuneho ay dali-daling iniwan ang kanyang ginagawang project at mga assignments samantalang si pagong naman ay nagtetengang kawali pa at patuloy sa kanyang pagtetext sa kanyang nobya. Nang makita ng kanyang amang aso ang kanyang ginagawa, ito’y nagalit at hinampas siya nito ng isang samurai at dahil sa liksi ni pagong, siya’y nakailag. Sa takot sa ama ay tinawag si kuneho at sinabing magpunta na daw sila sa kakahuyan. Dahil sa liksi ni pagong ay naiwan nya si kuneho at tumakbo ng napakabilis samantalang sa kakahuyan biglang may dumaan na isang matandang babae na gutom na gutom. Una itong nakita ni pagong subalit binalewala niya ito at nagpatuloy sa pagtetext samantalng si kuneho ay nagbigay ng pagkain na nakuha niya sa kakahuyan. Pagkatapos abutan ng pagkain ay biglang nag bago ng anyo ang matanda at naging isang napakaganda, sexy, bata at kaakit-akit na babae ang matanda. Sabi nya “ano ang iyong nais kuneho?” biglang umextra si pagong at sinabing “ikaw! Ikaw ang nais ko!”. “hindi ikaw ang kausap ko” sabi ng engkantada. Ang hiniling ni kuneho ay pagkain para sa kanyang ama’t ina at ito’y binigay ng diwata samantalang pinarusahan si pagong. Mula noon ay nagging makupad na siya at naging mabilis at maliksi si kuneho.

Kumain, matulog, magtext, manuod ng tv, maglaro, maginternet o kaya’y magpunta sa mall. Ito ang mga karaniwang gawain ng mga estudyante ngayon. Maraming estudyante ang buhay prinsesa’t prinsipe sa kani-kanilang tahanan sapagkat ito lang ang panahon kung saan sila’y may oras upang makapagrelax at magpabanjing-banjing dahil wala munang iniisip tungkol sa iskwela tulad ng mga projects, assignments, quizzes at kung anu-anu pa. ito ang Gawain ng tamad na estudyante. Sa kabilang dako naman, ang isang mabuting estudyante ay walang ginawa kundi ang mag-aral ng mag-aral ng leksyon, gumawa ng assignments at magreview na halos din a magkandaugaga ay sige at tuloy sa pag-aaral.

Tuesday, February 6, 2007

Panahon ng Pagbabago

By: Jemar Sacdalan

Sa paglipas ng panahon kasabay nito ang pagbabago o modernisasyon.Makabagong henerasyon,makabagong lipunan at kagamitan.Iba’t ibang mga gawain ang kinahuhumalingan ng mga estudyante ngayon sa loob at labas ng silid aralan.Mga malalaking gusali ang paboritong pasyalan ng mga estudyante pagkatapos ng kanilang klase.
Sa loob ng sentro ng edukasyon,iba’t ibang gawain ang pinagkakaablahanng maraming mag aaral.Tulad na lamang pakikianib o pakikilahok sa mga organisasyong naglalayong mapaunlad pa ang mga talento at kakayahan ng mga ito.Bumubuo sila ng mga banda;dance group at choir.Ang iba naman ay tila walang pakialam sa mga nangyayari sa kanilang paligid.
Pagkatapos ng klase at paglabas ng paaralan,panahon para sa mga ibang estudyante ang kaligtaan muna ang mga iniisip patungkol sa kanilang pagaaral.Natural sa mga ito ang tumambay sa mga parke ,maglaro ng mga computer games at pumunta sa mga mall.Kahit sa sandaling oras ay nalilibang nila ang sarili upang mabawasan ang mga alalahanin sa pagaaral.
Naiibigan na ng mga kabataang babae ang simpleng patingin tingin sa ga nakadisplay na bag, nga damit at pagsusukat ng mga sa mga sapatos. Ang iba naman ay nanonood ng bagong palabas sa sinehan at pagpunta sa mga msic warehouse. Marami din sa mga estudyante ang pumunta sa mga computershop. Ang iba ay upang gawin ang mga proyekto at karamihan ay upng maglaro lamang ng mga computer games at makipagchat.
Magkakaiba man ang mga gawing nais na mga estudyante, nawa ay hindi mawaglit sa kanilang mga isipan na kailangan pa rin nilang unahin ang pagaaral. Tama na ang paminsang minsang paglabas at paglilibang upang hindi gganong mapresure sa pagaaral.

Mangarap Ka!

By: Neil Patrick Roman

Lahat ng mga tao ay may pangarap na maaaring matupad o di pwedeng mangyari maraming kabataan ngayon ang mga nag-aaral upang maisakatuparan ang kanilang mga hangarin sa buhay. Ang magulang ang siyang gumagabay at sumusuporta sa kanilang mga supling upang maipagpatuloy ang kanilang mga hangarin. Sila ang nagbibigay ng lakas ng loob sa mga pagkakataong nasa ilalim ka ng hukay. Sila rin ang tumutulong at nagbibigay payo tungkol sa iyong mga panag-aaralan. Ngunit sa kabila ng mga ito, madaming mga sagabal ang dapat nating suungin at labanan upang makamit ang pinakamimithing pangarap kakulangan sap era, kawalang tiwala ng magulang sayo, pag-aasawa ng maaga ay ilan lamang sa mga problema na dapat nating kaharapin. Sa kabilang dako n gating buhay, nariyan an gating kaibigan na mas malimit nating kasama kaysa sa ating mga pamilya. Ang kaibigan ang tumutulong sa atin upang malutas natin an gating mga problema. Sila ang gumagabay at nagbibigay payo sa atin at kung minsa’y nagpapasya. Ngunit sa kabila nito, marami ring kaibigan ang nagdudulot sayo ng kasamaan. Minsan sila ang nagtuturo sa iyo manigarilyo at uminom ng alak. Sa panahon ngayon kaylangan nating pumili ng kaibigan na ating sasamahan. Kung baga ay iyong mga garantisadong mapagkakatiwalaan at pangmatagalan at kaylangan nating maging matatag sa ating sarili dahil bawat desisyon ay mahalaga para sa ikauunlad n gating buhay. Kaibigan nasa iyo ang desisyon kung mapapabuti o mapapasama ang buhay mo kaya pag-isipan nating mabuti upang sa banding huli tayo ay di magsisi.

Kabataan!!!!! Labanan ang mga suliranin at mga balakid upang an gating mga hangarin ay matupad.

Mga suliranin ng isang estudyante sa loob at labas ng paaralan

by: Roi Barcelona

Bilang isang mag-aaral, sari-saring mga problema ang sa ati’y naghihintay sa loob ng paaralan. Naging suliranin na ng ilang mga estudyante ang mahigpit na guro, ang ilan pa nga ay nababalitaan nating nananakit ng estudyante. Dagdag pa sa mga problemang ito ang taun-taong tuition fee hike na siya naming madalas na kinokondena ng mga mag-aaral lalo na ang mga nasa kolehiyo. Nariyan din ang mga bayaring hindi maliwanag kung saan napupunta at kung saan ginagamit at ginagasta. Kasama din ang di maganda at di maayos na pasilidad tulad ng kulang-kulang na computer para sa lahat, marumi at maliit na “comfort room” at ang pinakamalaking problema higit sa lahat ay ang kulang-kulang na silid aralan o di kaya’y hindi maayos na silid upang gamitin ng mga estudyante dahil sa mainit o di kaya’y masikip.
Pero sa kabila nito, hindi pa natatapos ang problema nila sa loob ng paaralan, dahil paglabas nila ng paaralan nariyan ang mga taong walang magawang matino na malaking banta sa seguridad ng mga estudyante. Pagsakay naman ng jeep nariyan ang mga abusadong drivers na sobrang maningil ng pamasahe. Pag-uwi naman ng bahay, sigaw ni nanay ang maririnig o di kaya’y pag-aaway ng kanilang magulang. Kinabukasan naman bago pumasok ng eskwela, ang pinakamalaking problema ng lahat ng mga estudyante ang nag-aabang,di alam kung saan kukuha ng babaunin. Kaya maaga pa lang, nasa kapitbahay na, nangungutang o di kaya’y di nalang papasok na dahilan upang bumagsak o ang pinakamalala, mahinto sa pag-aaral. Ito ang dahilan kung bakit maraming kabataan ang napapariwara ang buhay.Kailan kaya mareresolba ang mga problemang ito? Pagputi pa ban g uwak? Sana malapit na dahil maraming kabataan ang nais mag-aral at umasenso upang makaalis sila sa putik na kanilang kinalulugmukan.

Wall Art

by: Erwin Bueno
Bandalismo- mga sulatin o mga larawan na nakaguhit sa mga pader, lamesa, at iba pang hindi dapat paglagyan ng mga ito.
Maituturing bang panitikan ang “bandalismo”?
Sa aking sariling opinion, isa itong uri ng panitikan dahil to’y pagpapahayag ng damdamin at mga saloobin, kahit na ito’y nakakarumi ng kapaligiran at di kanais-nais sa mata.
Kagaya nalang ng kwentong ito..

Isang araw, natripan ni jojo na mag-“vandal” sa pader, ngunit bagong pintura pa ang pader sa spratley. Kaya’t kumuha siya ng papel at doon siya’y gumuhit at naglagay ng konting sulatin. Pagkatapos ay humingi siya ng tape sa kaklase nya at saka dinikit sa pader. Wow naman! Naisip nya yon?

Sinasabi na an gating mga mata ay salamin ng ating personalidad. Ganun din naman sa mga taong nagva-vandal sa mga pader at gumuguhit ng mga larawang bagay at puro kasamaan. Ganun rin ang kanilang ugali at saloobin.

Sa ating buhay estudyante, hindi naman pala kailangang maging parte ng ating buhay ang “bandalismo”. Simpleng pagpapasikat lamang ito. Ano bang mapapala mo kung magdo-drawing ka sa pader? Sinisira lamang nito ang malinis at maayos na lugar kaya ito’y dapat ng iwasan.

Bisyolicious

by: Mark Balagtas

Masarap nga bang maging isang estudyante sa kolehiyo kaya ang mga bagay na nakadikit sa pagiging estudyante? Talaga bang kasama sa estudyante ang magkaroon ng bisyo? Masama ba ito? Pagkalipas ng 6 na taon sa elementarya at 4 na taon sa hayskul papasok nanaman tayo sa isa pang yugto n gating buhay. Ito ay ang kolehiyo. Marahil tayo ay maninibago sa nga bagay-bagay sa ating paligid. Mga bagong kamag-aral, silid-aralan, pagkain at marami pang iba. Kaakibat nito ang pagkakaroon ng mga bagong bisyo na maaring magbigay saya at aliw o nagpapalipas ng oras subalit may kaakibat ding di makakabuti satin.

Bisyo ay isang uri ng gaain na nag-aaliw at naglilibang sa atin. Dahil sa mga bisyo na ito nasusubukan an gating disiplina sa buhay. Mayroon akong kwentong nakalakip ang mga bisyo na madalas pumapasok sa ating buhay…..

Isang estudyanteng napakabait, magalang, matalino at lahat ng kabutihan ay mayroon siya. Siya ay si Mr. Newton Putingpupu. Syempre noong umpisa ng pasukan ay gusto agad niyang magkaroon ng mga kaibigan kaya sumama agad siya sa kanyang mga bagong kaklase na magcomputer, “Dota na mga repakoy!” sabi ng mga kaklase nya. Sumama naman siya kaya yun… araw-araw na nangyari sa buhay niya ay puro na siya bisyo. Natuto siyang magbilyar, uminom, manigarilyo, magcomputer, mag-on the way sex. Di na niya mapigilan dahil bil\nubuska siya kapag di siya sumama hanggang sa isang araw….. ay napaqbayaan na niya ang kanyang pag-aaral at nagdrop na siya.

Hindi naman masama ang mga bisyo basta ilalagay lang sa lugar at wag sobra. May kasabihan ngang “lahat ng bagay ay may tamang oras at tamang lugar” at “lahat ng sobra ay masama” kaya layo gusto nyo bang sirain ang inyong kinabukasan. Mag-isip-isip kayo upang din a magkamali.

Barkada, sagabal nga ba?

by Denevive Roque

Barkada, isang grupo/ grupo ng magkakaibigan, karaniwang magkakasama sa katuwaan, nandyan lagi tuwing may happenings.. Ngunit barkada nga ba ay nakakasgabal sa pag-aaral ng isang estudyante? Bisyo, gala, barkada, ay isa sa mga nakakaapekto sa pag-aaral na isang kabataan. Sa panahon ngayon bihira na sa mga estudyante ang wala nong tinatawag nilng “barkada”. Bagamat masasabi natin na iba-iba tayo ng pananaw sa salitang “barkada”, ay maaari din naman itong kakitaan ng positibong lahulugan na “ good influence para sa iba. Subalit nakakalungkot isipin na karaniwan ngayon sa kabataang estudyante ay lubhang naapektuhan na ang pag-aaral sanhi ng iba’t ibang salik dulot ng makabagong teknolohiya. Sa pasabay sa agos ng panahon, di nakaila na halos lahat ng kabataan na tumutuntong sa kolehiyo ay natututo ng maraming bisyo. Isa na ay ang pag-inom ng alak, paninigarilyo, at kung minsan ay nauuwi pa sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. May ilang kabataan ang likas na inosente, bagamat naudyok lamang sa masasamang bisyo ng barkadang kanyang kinabibilangan. Isa din sa tinatawag na salik ay ang tinatawag nilang “pre-marital sex”, ito na marahil ang isa sa malaking nakakaapekto sa isang kabataan, particular na sa mga babae. Bagamat sabi ng karamihan, ito ay normal na sa dalawang kabataang magkarelasyon. Nadadala rin marahil ng teknolohiya ang pag-iisip ng kabataan kung kayat natuto na rin sila ng mga iba’t ibang uri ng computer games. Likas na sa kabataang lalaki ang mahilig sa ganitong libangan. Hmmm? Libangan nga ba? Pero bakit may ibang mga estudyante na pumapasok lang para makapaglaro na computer games? Isang aya lang ng kabarkada, gow agad!! Nakakalimutan na ang dahilan kung bakit sya pumasok..Pero kung iisipin, maari naman silang gumamit ng coputer sa mabuting paraan. Nakakatawa talaga ang kabataan, kung anong bawal, un ang ginagawa. Maaari ka naman gumamait ng computer sa pagreresearch lang, puede ka naming uminom ng juice at hindi alak, puede ka rin naman makipagrelasyon ng hindi nasangkot ang “sex”. Maraming naming ibang paraan para maipqakita mo ang pagmamahal mo sa karelasyon mo..
Hindi nga rin madali sa isang kabataan ang hindi maging “in” sa panahon ngayon. Ikaw bilang isang kabataan, hindi dapat magpa-apekto sa mga barkadang dala ng masamang impluwensya. Isang pag-aaksaya lang ng panahon at pera ang maidudulot nito. Kung kayat nakakaligtaan natin/nila ang responsibilidad sa pag-aaral, sa pamilya, at maging sa lipunan.

Bilang kabataan/ estudyante, nasasayo na kung magpapaapekto ka sa mga “kabarkada” mo. May sarili naman tayong mga pag-iisip at alam na natin kung ano ang tama at mali. Ngunit lalong higit na pakatandaan na ang pagtawag at paglaan ng panahon para sa Diyos ang nagdudulot ng pagbabago, limitasyon sa lahat ng aspeto.

Krimen Sa Classroom

by Renato Guevarra

“Meron ba tayong test ngaun?? Tang-ina hindi ako nkapagreview… Tabi nalang tayo noh?!.” “Sino my piso jan? pahingi nga, kulang ng piso pambayad ko.” Tol, wala daw si maam, tara DOTA na tayo.” “Tol, may bagong bold ka ba jan? Bluetooth mo sakin,gusto ko ung SCANDAL ha?” “Pare, haba ng vacant natin ngaun. Tara inum muna tayo tapos wag na rin tayo pumasok.”
Ito ang mga karaniwang naririnig natin sa loob at labas ng classroom. mga estudyanteng naghihingi ng papel sa katabi kapag kailangan ng papel. Sila ay tinatawag na “PARASITE” ng classroom. sila nag mga mabubuting estudyante na walang ginawa kundi maghingi ng papel. Nakatapos ng isang sem or isang buong school year ng hindi man lang bumili kahit isang papel. At ang naaapektohan ay ang hinihingan ng papel sapagkat naubos kaagad ang papel na binili mula sa kanyang sariling bulsa. May mga estudyante naman na sa tuwing may exam ay sa matalino nakadikit. “Aanhin pa ang libro kung scholar naman ang katabi mo” ika nga nila. Buong araw na walang ginawa sa bahay at pagdating ng pagsusulit ay hindi alam kung kanino tatabi para magkasagot man lang. madali itong mapansin sapagkat kung saan ang mga matatalino ay nandun din ang mangongopya ng sagot. Hindi rin nawawala dyan ang mga estudyanteng lagging naghihingi ng piso kapag kulang ang kanilang pambayad. Akala mo parang walang nawala sayo dahil piso lang ang hinihingi, pero kapag pisagsama-sama ang lahat ng pisong iyon ay malaki din ang kalalabasan. Nandyan din ang mga mahihilig sa kalaswaan. Sa tuwing may bagong scandal ay pinagkakaguluhan ito ng mga estudyante, my camera phones man sila o wala. Parang virus kung kumalat sapagkat madali itong ipasa through Bluetooth or infrared. Pero sa panahon ngayon ay parang natural na sa mga kabataan ang mga ganon. Hindi rin pahuhuli dyan ang mga DOTA boys. Kapag my mahabang vacant ay hindi pweding hindi sila maglalaro ng DOTA. Natitiis na hindi kumain para magkaroon lamang ng sapat na pera para sa mahaba-habang pagDODOTA. Minsan ay hindi na sila pumapasok sa klase kapag napakanda ng kanilang laro. Pagkatapos nilang maglaro ay maririnig ang kantsawan kung sino ang talo,nanalo at kung sino ang mahina. At ang huli, mawawala ba jan ang inuman. Sa unang taon ay hindi pa masyadong talamak ang inuman, pero pagdating ng ikalawa pataas ay mapapansin mo na imbes sa bahay tumuloy ay sa inuman tumutuloy. Minsan bago pa man sila pumasok ay umiinom na at pag dating sa school ay mga bangag na sa alak.
Ito ay kadalasan nangyayari sa mga estudyante pagdating ng college. Dito ay nagkakaroon sila ng kalayaan. Dito kadalsan nagsisimula ang mga krimen sa lipunan. Sa simpleng paghingi ng papel, ng piso at pangongopya sa katabi. Ang iyong mga classmate ay ninanakawan mo kahit hindi mo napapansin. Kinukuhanan mo sila na dapat ay para sa kanila lamang dahil ito ay pinagpaguran ng kanilang mga magulang. Ang paglustay ng pera na ibinibigay sa iyo ng inyong magulang sa mga bagay na walang katuturan.
Dito nagsisimula ang pangungurakot sa ating lipunan. Kinukuhanan at nilalamangan mo ang iyong kapwa tao. Sa aking pagsusuri ay dito nagsisimula ang mga katiwalian sa ating pamahalaan. Ngunit hindi ko nilalahat ang mga estudyante, ito lamang ang aking namasid sa isang paaralan na aking napansin. Ang mga estudyante ay hindi magiging pariwala kung sila ay nababantayan ng mga magulang, guro at ng paaralan na tinuring natin na ating ikalawang tahanan.

Sa Klasroom Ikaw Ang Bida ü

by: John Rafael Santos

Kamusta ang pag-aaral mo? Marami bang mga nagbago sayo? Anu-ano nga ba ang mga tinig sa loob ng silid-aralan? Masarap ba mag-aral ng algebra, chem., psycho., at kung anu-ano pa? Hehe! Marahil hindi na ganun ka-enjoy ang mag-aral pero kailangan 'di ba?
Ngayon sa kaleyds layp ko eh marami na akong mga bagong bagay na natututuhan. Pagtambay, paggastos, pagtitipid, pagkain sa KFC(kapitolyo food court), pagdodota, at kung anu-ano pa. Iba’t ibang tinig ang maririnig mo sa bawat sulok ng room. Sa isa may mga nagaayang magdota, sa iba naman eh tahimik na mga taong walang ginawa kundi mag-aral, at sa iba naman ay may mga naguusap ng kung anu-ano lng. Minsan naman merong mga klasmeyts na nag-uusap gamit ang ibang language. Marami sa kanila ay Kapampangan ang ginagamit. Hindi mo naman sila masisisi kung ganun sila 'di ba?? Sa ibang dako naman ng room ay ang mga sosyal wanabeee. Siguro alam niyo na kung sino sila. Ang mga taong segusegundo ay nakatingin sa salamin, nagreretouch, nagpapowder, nagtetext, at English speaking kahit using the carabao one’s. hehe.. Minsan I tried using Kapampangan pero di umubra. Mekeni lang ang natutuhan ko. Sarap sana kung nakakareleyt ka sa kanila eh. Ung mga sosyal wanabee lng ang ayaw kong maging. So kadiri naman them. Hehehe… (joke lang. bawal magalit).
Makakatapos na kami ngayon ng dalawang sem. na super hirap pero still enjoy parin kasi wla pang major subjects at syempre wala pa kaming inaatupag kundi ang magDota, mangchiks, at syempre tumambay sa kung saan. Eto ang college life pag first year. Ano kaya kahahantungan naming pag puro kami ganito??
Naalala ko nung first day ng pasok, wala pang magkakakilala samin. Masaya na nakakahiya ang feeling nung panahon na yon. Wala ka kasing makausap. Super tahimik pa naming nun. Pero ngayon… hehe super parin kami.. super ingay. Ang pinaka-favorite kong nangyari samin e ung pagsaway ng mga titser sa amin mula sa ibang room. Katuwa kasing tignan yung mga pinagagalitan pero syempre kahiya naman. Siguro gusto nyo na mgcollege noh?? Enroll na sa BulSU.. hehe.. (free endorsement na yan ahh)
Sa loob ng room madalas nating naririnig ang mga salitang “pengeng paper”, “pakopya ha??”, “Pu****na” at iba pa. eto ang tinig ng klasroom. Masaya ang pagiging estudyante pero nakakatamad mag-aral. Pwede bang maging estudyante nalang pero di mag-aaral?? Pwedeng pwede pero syempre may kalakip itong malas este matinding kapalit. Ang kinabukasan natin at ng ating mga wife or wives to be. Hehe.. kaya aral na. Wag papatay-patay o pa-easy-easy. Para satin din ito. Kahit 6-10 years pa tayo bago matapos okie lng basta makatapos. Diba astig ang matawag na Egnr.(ang pangalan mo)??

Rock on!! Godbless sating mga future Engineers!

Pag-ibig

by: Kevin Norman Fajardo

Pag ibig. Sa ingles love. Eh anu naman, no? kung di mo napapansin, dito umiikot ang mundo ng mga kalalakihan at kadalagahan sa puntong ito ng ating mga buhay, ang buhay estudyante. Di mo maikakaila, diba mas masarap nga namang tignan nalang maghapon ung crush mo? mula ulo hanggang paa, ung tipong kahit ung pinakamaliit na nunal nya e alam mo kung nasaan, alam mo rin pag nawala sa pwesto ung isang hibla ng buhok nya at syempre, kahit nasaan sya, alam mo kung nasaan. Para kang satellite kung baga. At dahil masyado ka ng busy sa pagtatanong sa sarili mo kung bakit kaya may ganun kagandang babae sa mundo (para sa mga lalakeng katulad ko) o bakit me ganun ka-cute na lalake, napapabayaan mo na ang isang kimpal na projects, santambak na quizzes at pulupulutong na assignments na nagaabang sa study table mo, kung meron man. Bakit kaya natin kelangang magaral? Sabi nga ng iba, sagabal lang yan sa kasiyahan! Eh kung imbis na nagbabasa ka ng librong hindi naman maintindihan, eh tabihan mo na lang ung “syuta” mo, magdaldalan nalang kayo, sulatan mo ng kung anu anu ung braso nya, tapos magdrawing kayo ng mga puso, amuy-amuyin mo ung buhok nya, kalikutin mo ung bag nya, tapos mayamaya, naghahabulan na kayo. O diba? Para sa mga di pa nakakaranas mahalin at magmahal, pwede at may karapatan kayong sabihing “magbabasa nalang ako ng libro! Wala namang thrill ung umamoy ng buhok eh!” pero para sa mga nakatikim na ng matamis na “oo”, parang droga ang amoy ng “syuta” nya. Kasing saya ng chicken joy ang pakalikot sa bag nya at mas super duper mega over saya ang pagtabi sa “syuta” nya kesa sa DOTA. Eh panu pa kaya ung libro at mga aralin? Karamihan siguro sa atin mas gugustuhin pang tumanga kesa humawak manlang ng algebra book. Ganyan ang epekto pag sa pagibig tayo na-adik. Pero di naman lahat ng “adik” sa pagibig eh, “pagbagsak” ang inaabot. Meron ding nagsisilbing “inspirasyon” ang kanilang mga iniirog, mas lalong ginaganahang mag aral kapag andyan ang inspirasyon. Pero ang tanong sa atin, gaganahan nga ba tayomg mag-aral kapag nagkaron na tayo ng iniirog? Tignan natin.
Kapag sinagot ka na ng matagal mo ng nililigawang girlaloo, syempre abot langit ang kasiyahang madarama mo. Lalo ka ng mauubusan ng panahon sa ibang bagay dahil masaya ka pag kasama mo sya, kaya’t ibubuhos mo na ngayon ang atensyon mo sa kanya. Paglipas ng panahon, dadalas na ang pagde-date nyo. At dahil masaya ka sa piling nya, di mo alintana ang gastos na aabutin mo sa kanya. Di magtatagal, magiging pulube ka na. tapos paglipas pa ng ilang panahon, darating na kayo sa puntong nagkakatampuhan na kayo, meron ng di-pagkakaunawaan. Gusto ni babae ganito, gusto mo ganyan. Gusto nya coke, gusto mo sprite. Gusto nya kanin, gusto mo ulam, gusto nya dapat ang lage mo syang katext, eh ikaw kating-kati na ung kamay mong magDOTA.. ayan. Misunderstanding. Para tuloy totoo yung kasabihang “ang pag-ibig sa una lang masarap..” Pag nag away na kayo, di mo na alam ang gagawin mo. Magsori ka man ng ilang libong ulit, wala. Di patitinag si babae. Malungkot ka. Malungkot sya. Eh bukas finals. Patay. Yari. Dahil sa sobrang pagka-depress mo, nakalimutan mong mag-aral. Eh dalawang buwan na yata ang nakalipas nung huli mong nahawakan ung mga gamit mo sa school kase syempre, busy sa loving-loving. Wala ng ibang paraan. Kapit sa matatag! Tabihan mo na ung pinakamatalino mong kaklase. Pansamantalang mawawala muna yung problema mo sa “syuta” mo. Pero pagkatapos ng finals, panu na? balik nanaman sa digmaan. Kung magaling kang tao, kaya mong pagsabayin ang dalawang laban na ito, ang laban sa eskwela at ang laban ng puso..